Good day everyone :D
May tropa ka ba o kakilala mo na inaaya ka mag invest sa bitcoins? Yun bang sasabihin nila sayo matutulog ka lang kumikita ka na....hehehe charot lang :P
Anyway,
Uso ngayon sa internet maski na sa social media ang tinatawag na bitcoins. Kung iisipin mo para siyang token saa isang online games o kaya pambayad sa online transactions. Tama ka dun sa iniisip mo kaibigan! Marami na po gumagamit niyan kasi napaka praktikal gamitin dahil sa tipid sa gastos sa fiat currency (physical money) at madali i-transfer kung kani-kanino. Ok simulan natin ano nga ba ang bitcoins. Pero bago yan i-klaro muna natin ng ibig sabihin ng cryptocurrency. Ayon sa wikipedia:
"A cryptocurrency (or crypto currency) is a digital asset designed to work as a medium of exchange that uses cryptography to secure its transactions, to control the creation of additional units, and to verify the transfer of assets. Cryptocurrencies are classified as a subset of digital currencies and are also classified as a subset of alternative currencies and virtual currencies."
Isa sa mga cryptocurrencies na nabuo ay ang bitcoins. Ito ay nailathala ni Satoshi Nakamoto noong January 9, 2009. Siyam na taon na pala ang nakakaraan may btc na. Dati ginagamit eto sa underground online transactions gaya ng deepweb. Sa deepweb kasi marami illegal na bagay na mbibili gamit ang btc. Sabihin na natin pwede ka bumili ng iligal na droga, armas, smuggled goods at maski na pornography. Bigla nalang nag slow down ang btc dahil sa maraming dahilan. Siguro isa na dun ang kakaunti o sobrang baba ng palitan ng nasabing digital currency.
Ang bitcoins ay isa lamang sa mga uri ng cryptocurrency sa buong circulation. Bukod diyan meron pa mga kilala rin na cryptocurrency gaya ng litecoin, ethereum, zcash, monero, dash coin, dogecoin at marami pang iba. Ang maganda kasi dito digital currency na siya (oo hindi mo siya nahahawakan). Magagamit mo ang crypto sa pagbili ng kahit ano sa internet na tumatanggap rin digitally. Ako na try ko narin ipambili ng cellphone load at pambayad sa tubig....wait pambayad sa tubig? Opo pwede ka makapagbayad ng inyong bills sa bahay (electriciy, water, rentals, etc) gamit ang inyong crypt. Kadalasan bitcoins ang mode of payment sa lahat ng online transactions. Pero meron din iba na tumatanggap ng litecoins. Basta check mo nalang sa website na pupuntahan mo ano mode of payment tinatanggap nila.
Lahat ng bagay may downside maski yang crypto. Ang ganitong sirkulasyon kasi walang banko na nag-regulate ng digital currency. Ang bitcoins hindi fix ang value niyan, minsan tumataas at minsan bumababa. Dahil na yan sa supply and demand ng mga tumatangkilik ng crypto. Ang tawag po dun inflation rate. Habang dumadami ang bimibili marami rin ang nagbebenta. Pero natanong mo na ba saan galing ang crypto? Ayon sa history walang sinumang tao o grupo nag may-ari ng crypto. Isa siyang decentralized network system na umiikot sa buong mundo na pinapagana ng tinatawag na blockchain. Para magkaroon ng crypto gaya ng bitcoins kailangan magmina. Hindi po yung huhukay ka sa ilalim ng lupa tapos makakakita ka ng ginto. Since digital age na tayo ang mina dito sa crypto ay ginagamitan ng system unit. Meron tinatawag na mining rigs na ginagamitan ng GPU (Graphics Processing Unit) at cloud mining. Iipunin mo yun na ayon sa halaga na gusto mo maabot. Pagkatapos niyan pwede mo na siya ipalit sa fiat currency. Opo pwede ipalit sa totoong pera pambili ng gusto at kailangan mo sa buhay. Pwede rin gamitin siya sa online trading na ginagawa ngayon ng karamihan (investment scheme). At dahil nagagamit sa online trading naglipana rin yung mga scammers, kaya doble ingat at pag-isipan mabuti.
Gaya ng sinabi ko pag-isipan maigi bago ka pumasok sa ganitong kalakaran. Maganda simula to ngayon kasi mataas ang value niya. Hindi kagaya nung 2013 na sobrang down ang sistema. Marami umayaw sa bitcoins dahil sobrang baba ng palitan. Ngayong january 2018 nasa 900k ang 1 BTC, oh diba mayaman ka na! At siyempre marami makiki-ride on sa uso (ganyan talaga ang mga pinoy hehehe). Pero uulitin ko sasabihin ko: mabilis magbago ang lahat ng bagay.
Maraming salamat po sa pagtangkilik sa aking blog.
Feel free to keep me in toch at my social media accounts for inquiries and suggestions.
Meow :D
Developer/Builder at Ran Online Private Server || Aspiring Vlogger || Mushroom Lover || Cat Personality. Welcome to my lovely blog for more than 10 years of existence. This blog contains free and shared ran private server files. Use it wisely and teach yourself how to make your own private server from scratches and tutorials. Thank you for your love and support on my journey :) <3
-
Mapagpalang araw po sa inyo! Welcome to my Emolista's Page, your partner in making a ran private server in the world....^_^ naks naman...
-
You can find all the important and helpful threads regarding RAN Server Development Here. If I missed out any important threads, Just PM me ...
Tuesday, January 9, 2018
Subscribe to:
Posts (Atom)