Thursday, May 18, 2017

Lets talk about...leaked files on the internet!

Good morning guys xD

Alam ko marami sa atin natutuwa kapag nakakuha ka ng libreng files. Hindi na po ito bago sa atin mga kaibigan. Sabi nga nila "The best thing in this world is free". Kahit sino kahit nga ako natutuwa mabigyan ka ba naman ng isang bagay na di mo sukat akalain. Masarap sa pakiramdam na makatanggap ka ng isang bagay pero mas masaya kapag nagbibigay. Amen po ba tayo diyan? :)

Ok punta na tayo sa real dea. Karamihan sa mga files na gamit natin ay galing sa rz, facebook o kung sino mang pontio pilato sumulpot sa harapan mo. Mukhang maganda sa unang tingin kasi meron yung features na gusto mo na wala sa iba. Lalo na kung dev ka tapos nagkaroon ka nun na kay tagal mo pinapangarap. Siguro example na diyan yung SPP (alam niyo na po siguro kung ano yan). Wala masama mag explore pero ingat lang kaibigan. Mahirap na kasi ma compromise baka pagsisihan mo. Yung ibang nag share ng files minsan may virus na nakatanim. Tawag nga namin diyan may halamang nakatanim hehehe. May mga tao nagbabahagi ng files bukal sa kalooban. Yung iba naman nakaw sa kapwa dev o kaya binili tapos kinalat. Pwede rin na recover yung files sa tagal ng panahong nakatiwangwang sa baul. Hindi ko sinasabing pangit tumanggap ng leaked files. Ang gusto ko lang sabihin ay mag ingat ng mabuti. Kung duda ka o kaya naman ay gusto mo i explore ang isang files, heto ang mga dapat gawin:

1. Wag tatanggap ng files sa taong hindi kilala lalo na kung dummy account.
2. Pwede muna i-scan ang files sa virustotal.com.
3. Kung nai download mo agad yung files, scan mo gamit ang antivirus. Ang daming antivirus diyan na libre o kaya may trial. Mas maganda kung full version para full rin ang protection sa pc.
4. Kung ito man ay part ng source code (cpp or h file), i merge mo ayon sa function na gusto mo kunin.
5. Kung alam mo may sabit yung files, wag mo na lang gamitin diretso delete agad.

Sana po nakatulong ang kaunting payo ko. At tsaka sana wala na magrereklamo sakin na virusan yung pc nila dahil sa nag download ng file na di nila alam. Ugaliing magtanong sa eksperto...kung may ritemed ba nito hehehe biro lang po :p

God bless and more fun in developing in the future :)

No comments:

Post a Comment