Sunday, January 13, 2019

Slowly Letting Go [Taglish]

Good day;


Kamusta na po kayong lahat? Pasensiya na po hindi ako gaano nag-update ng aking blog. Marami nangyari sa buhay ko na mahirap lahat ikwento. Pero ngayon gusto ko sana ipaalam sa inyo na unti-unti nako bibitaw sa mundo ng ran. Naalala ko 2008 sinimulan ko tong blog, isa lang ang pumasok sa isip ko ay gusto lamang makatulong. Gusto ko i-share rin yung anoman natutunan ko sa ragezone at iba pang nalalaman sa pag-dev ng ran. Marami ako naging kaaway at kaibigan sa loob ng mahigit sampung taon. Taon na sinimulan ko na akala ko walang mangyayari. Inisip ko gusto ko lang din maglabas ng expressions ko. Ang nangyari dahil sa blog ko marami natuto, marami rin lumaki ulo. Dahil narin sa blog ko, nakakapunta ako sa lugar na di ko pa napupuntahan. Bagay na pinapangarap ko lang mapuntahan noong elementary ako. Hindi kasi ako pinapayagan ng magulang ko na pumunta ng field trip kasi may nangidnap daw ng bata. Pero ang totoo niyan wala sila pera para makasali sa fieldtrip. Ngayon sagot ng client ko kapag pupunta ako sa bahay nila o sa shop nila. Sa mahigit sampung taon halos nalibot ko na buong luzon. Kahit saan man ako magpunta nakikisama ako. Lahat ng pwede ko ituro sa client ko binibinigay ko best effort ko. Sa pag-dev ng ran private server may naipundar ako kahit paano kagaya ng computer set ko. Yung iba bigay lang at yung iba galing sa bonus na binibigay sakin. Sinasabi ko lang magkano yung presyo kailangang gastusin sa pagbuo ng server. Ayoko magtaas baka kasi sabihin nila mukha daw ako pera, ganun!



Bakit gusto ko na tumigil sa ran private? Marami po dahilan at tsaka matagal ko narin yan pinag-isipan. Isa na po yung edad ko 30 years old nako mga ate/kuya. Sa edad kong yan ang dami ko na-miss na opportunity sa buhay. Ang dami ko sinayang na pagkakataon na halos abot kamay ko na. Hindi ko masabing ng diretso pero kung ako tatanungin, mahirap na sumabay kapag lipas na panahon mo. Pinipilit ko sumabay hanggat maari wag lang mapag-iwanan. Ewan ko ba sa dami ng pwedeng gawin sa buhay bakit ran ang pinasok ko. Totoo nga yung sabi nila mahirap lumabas sa bagay na madaling pumasok. Nandiyan na yung maraming reklamo sayo kasi hindi nagustuhan gawa mo o kaya iba dun sa expectations nila. May panahon din na napapasok ako sa gulo. Kaya minsan kahit malaki bayad ayoko tanggapin kung malalagay ako sa alanganin. At tsaka yung bagay na matagal ko na gusto sabhin sa lahat....hindi nako masaya :'(



Maraming salamat po sa pagpunta sa blog ko tuwing may kailangan kayo i-download. Alam ko po yung iba sa inyo galit sakin pumupunta parin dahil sa mga kailangan niyo links. Isa pa marami na natuto sa blog na to. Nagugulat nalang ako marami nako pm yung iba gusto pagawa, yung iba naman gusto lang magtanong sa ibang bagay na medyo naguluhan. Hindi ko na po mabilang kung ilan na natulungan ko. Kung ikaw man ay isa mga yun, feel free to comment on my blog post! Hindi po ako nagpapaliwanag lang hehehe :P



Sampung taon namuhay sa diskarte at papasok na sa bagong yugto ng buhay ko. Etong blog ko habang buhay na nandito madadaanan mo lagi sa internet :)





Nagmamahal;



Emolista2 aka meow/pusa

9 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Maramig salamat [Dev] Emolista madami talaga akong natutunan sa blog mo ikaw ung inspiration ko madami akong natutunan ,.. Player mo lng ako dati sa server mo kung naalala mo pa YUKIO-Ran Salamat :)

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. Sir, heart breaking naman to masyado. 13-15 years old palang ata ako nagbabasa na ako ng blog mo at hanggang ngayon. Now I'm 23. Ang sakit lang nung nabasa ko latest post mo. Sana nga maging masaya ka na sa new life mo pero also look at the bright side, you are Emolista, and you've achieved something a lot of people couldn't.. and you can still do so much more. :)

    ReplyDelete
  5. Much obliged for setting aside an ideal opportunity to talk about that, I feel firmly about this thus truly like becoming acquainted with additional on this sort of field. Do you mind overhauling your blog entry with extra understanding? It ought to be truly helpful for every one of us.

    ReplyDelete
  6. I am extremely delighted in for this online journal. Its an educational subject. It help me all that much to take care of a few issues. Its chance are so incredible and working style so fast.

    UK Lotto result

    ReplyDelete
  7. Extraordinary things you've generally imparted to us. Simply continue written work this sort of posts.The time which was squandered in going for educational cost now it can be utilized for studies.Thanks

    todays 49s

    ReplyDelete
  8. Good evening sir i hope you can notice my comment i just want to ask the basic steps and the tools to create a private game like ran online also the guide i hope you will notice my commemt

    ReplyDelete