Tuesday, March 3, 2020

What is my status?

Good day people :)

Right now, I'm still making a private server but not just like before too many clients. As of now, I can only handle 2 or 3 servers to manage. Thinking of stopping my journey but not so fast. I have to finish something before I move to another career. You guys still gave me a respect and trust for my works and contribution to the ran community. And again I would like to thank you for you untiring support and love :O


Buo na po desisyon ko magtatayo nako ng mushroom farming and food processing business. Problema ko nalang paano ko makakaipon ng kapital kung hihinto agad ako sa hilig ko. Naisip ko kasi paano kung nagkapamilya nako, ran parin ba ang source of income ko? Hindi pwede habang buhay nalang libangan lalo na ngayon sa hirap ng buhay. Oo yung libangan passion ko narin, yung pera nandiyan lang yan sususnod yan. Ang masaklap pa nga diyan hindi lahat ng outcome maganda. Meron ako mga naging client na sobrang demanding o kaya sobrang busy hindi matutukan sarili nilang server. At may pagkakataon rin na sobrang barat pero taas ng expectations sa gawa ko. Lagi ko po sinasabi sa mga clients ko kung ano lang kaya ko gawin yun lang. Hindi ko kaya yung bagay na wala pa ako. Halimbawa si client gusto ng official market system eh wala ako nun. Bibilhin pa yun sa ibang dev para mailagay lang sa sarili nilang private server. Kaya yung iba nagagalit sakin kasi akala nila kaya ko yung ganito kaya ko yung ganyan. Dati hirap ako mag-dev ng private server dahil vpn lang gamit ko para maka-connect sa internet. Lagi ubos yung pera ko sa load at sim card na lagi nasusunog kapag lumalagpas ako sa capping na tinatawag. Alam yan ng mga kumukuha sakin ng vpn kasi reseller rin ako. Sa mga ganung tagpo ng buhay ko talagang nakakasawa na. Gusto ko ng pagbabago talaga sa sarili ko at isa na dun yung dahan-dahan ako lalayo sa minahal ko na industriya. Alam niyo na ibig kong sabihin habang binabasa mo tong blog ko.


Once again, thank you so much for your untiring support and love to my passion. Without you my life is empty and just a normal day for breaking a leg. I hope you will understand my feeling right now. Slowly passing all of my knowledge to the next generation. Ran is our game, ran is our life!


God bless everyone :) <3 font="">



Facebook

Instagram
Twitter