Wednesday, October 12, 2022

My Social Media Accounts Got Compromized

 Good day mga ka-pusa :)


Magandang araw po sa inyo at sana nasa mabuti kayong lagay. Ngayon lang po ako makakapag-update dito sa blog ko dahil sa marami nangyari. Isa na po dun ang pagka-permanent disable ng aking facebook account. Lumabag raw ako sa "Community Standards". Nag-post raw ako ng ch*ld p*rn bagay na hindi ko gawain at nakakasuka yung mga ganung gawain. Ang pinagtataka ko lang ay secured ang account ko for 9 years. Meron yun text verification at 2FA bago maka-login sa account ko. Akala ko ako lang may ganung pangyayayari, marami pala kami nung nagbabasa ako sa reddit.com. Iisa lang din ang rason, ch*ld p*rn! Lahat na ng method para mabawi main fb account ko pero wala na talaga pag-asa. Kaya naisipan ko gumawa nalang ng bagong account at bumalik ulit sa square one. Paki-add nalang po yung bago kong facebook account sa baba:


Facebook


At sa mga nagtatanong kung nasan na po ako at ano lagay ko. Nandito na po ako nakatira ngayon sa Davao Oriental bale 3 months nako nandito. Gawa ng maraming kailangang ayusin dito sa lugar ng papa ko. Baka magkatotoo rin yung sinasabi ng mga nakakakilala sakin na dito nako mag-aasawa...hehehe God knows :)


Magsisimula narin ako mag-upload ng content sa aking YouTube account. Kung makakakuha ako ng bakanteng oras mag-upload ako ng bagong contents. Kaya sa mga hindi naka-subscribe, heto po link sa baba:


YouTube


Thank you and God bless. Peace mga ka-pusa :D